Home » Music » Biyernes Santo ng Pagpapakasakit ng Panginoong Hesus (Lyrics) - Himig Heswita

Biyernes Santo ng Pagpapakasakit ng Panginoong Hesus (Lyrics) - Himig Heswita

Written By Christian Music on Friday, Apr 02, 2021 | 03:35 AM

 
Lyrics: At sa tabi, at sa tabi nakatayo Ng krus nga ni, ng krus nga ni Hesukristo Ina Niya't ka, ina Niya't kapatid nito't Mahal Niyang disipulo Nangagdalamhati ito Nang si Hesus, nang si Hesus ay makita Ang dalawa, ang dalawa na Maria Kasama ng, kasama ng Kanyang Ina At ang disipulo Niya Si Juan na ebanghelista Agad-agad na nagwika "Ginang hayan iyong anak, Anak hayan ang iyong ina" Paghabilin ito baga Na tinanggap ng alagad Buhat noon, sa kay San Juan Yaong Birhen nanirahan Sa alagad na tahanan Inalo, inalagaan Yaong Inang minamahal Nang matapos, nang matapos na nga ito Nalaman ng, nalaman ng Poong Hesus Na naganap, na naganap na ang tanan Siya'y nagbigay katuparan Sa hula ng kasulatan Nagwika Siya, nagwika Siya kapagdaka "Ako'y nau, ako'y nauuhaw" aniya Mga tanod, mga tanod na naroon Sa sisidlan na may suka Isinawsaw ang espongha Ikinabit, ikinabit ang espongha Sa hisopong, sa hisopong sanga baga Sa suka ay, sa suka ay ipinigta Inilapit sa labi Niya Nang mapawi ang uhaw Niya Pagkasipsip, pagkasipsip niyong suka Nagwika ang, nagwika ang Poong Hesus Sinabi ay, sinabi ay "Natapos na" Iniyuko ang ulo Niya't Pumanaw ang kaluluwa Disclaimer: I hereby declare that I do not own the rights to this music/song. All rights belong to the owner.