Home » Music » YNNAH X ZIKK - KALIMUTAN REMIX

YNNAH X ZIKK - KALIMUTAN REMIX

Written By Zikk on Saturday, Jun 21, 2014 | 05:44 AM

 
facebook link: https://www.facebook.com/photo.php?v=821293957883911 original kalimutan song by ynnah link: https://www.youtube.com/watch?v=KvEMnGLhlZA follow or add me @ https://www.facebook.com/tatlopuyo for the latest.. zikk lyrics: zikk lyrics: Ang daling sabihin pero hirap na gawin Lalo't aking napapansin na naibig ka na din... Di ko pangarap manggulo O pagsiksikan ang sarili,malawak ang mundo Madaming iba dyan,kaya di ko binalak manukso Oo tuso ako pero wala kong winasak na buo Kaya inawat ang gusto,pinilit ang sariling mapigilang Maibigan ka't piniling manatiling kaibigan Ang lihim na pagtingin,sapilitan piniringan Para di makita ang malisya sa ating tinginan Pero nung takpan ang pagtingin, nagbukas ang ibang pandama Ang bawat hawak at yakap ay nagdala ng kaba Sa dibdib,at ang pintig ng mga puso'y mas nadinig, mas nagkatamis ang mga sinasabi ng bibig At noong ang pag-ibig ay naamoy na nga sa hangin di na nating napigilang padamang nasa damdamin Natanggal ang piring Dahil Di na nagawang kayanin ng isa na ang apat na ibang pandama'y awatin At nagliwanag ang lahat nung isang gabing madilim E sumabog ang damdaming pinilit nating makimkrim Naging tama ang mali bago tayo nahimbing Pero naging mali ang tama nung tayo'y nagising Nung sabihin mong nangyare yun dahil saking kapusukan At dahil lang sayong karupukan ay natukso kang Magkasala kasama ko pero yun ay kaululan Dahil alam naten parehong meron yung kahulugan At di lang naten sinagot ang tawag ng laman Dahil higit pa sa init ang ating naramdaman Nasagot din ang tanong kung ano ba ang lihim na laman Ng ating damdaming dating ayaw nating ipaalam At ngayon alam na natin gusto mo na mamaalam na Talikuran at makalimutan ang nadarama Ayaw mong tanggapin na nagmamahal ka na Sabi mo hindi na pede kase ikakasal ka na Hindi ko kaya.. Kaya mas pinili ko na pilitin paalala Sayo ang sayang nadama mo nung tayoy magkasama Para matanto mong tayo talagang nakatadhana Kaya kahit alam kong merong kayo at walang tayo Lalaban to kase wala kayo ng meron tayo Kayamanan lang ang meron sya na wala ako Pero pagmamahal mo ang wala sya na meron ako Alam ko na kaya ka nyang bigyan ng magandang buhay Pero handa ka ba na pagsisihan habang buhay Na pinakawalan mo ang pagmamahal na tunay At madadala mo ba ang kayamanan nya sa hukay? ang tunay na kaligayahan ay walang presyo Kaya wag ka sanang sa salapi nya magpapreso Pede ka namang sa simpleng buhay makuntento Kung kasama mo ang tao na sayo ay nakumpleto Kaya subukan mong turuan ang puso mong magdesisyon Upang takbo ng utak moy magbago ng direksyon Wag mong hayaang kinabuksan mo'y palibutan ng tanong Bago to maging kahapon wag mong kalimutan ang ngayon.