Home » Music » SKWATERvision - ZiKK - BEFORE i GO

SKWATERvision - ZiKK - BEFORE i GO

Written By skwatervision on Friday, Jun 15, 2012 | 05:17 AM

 
story telling song.. http://www.skwaterhawz.blogspot.com lyrics: verse 1 ang mali nateng nasimulan dapat ng matapos bago pa to magdulot ng gulo dapat ng maayos yan ang sabi mo habang pumapatak at umaagos sa mukha mo ang luha mo hanggang napayakap ka na halos magpaiyak na din sa akin pero pinipigil ko kase tama ka..maraming masasaktan pag di naten itinigil to mali ito yan ang sinasabi sa akin ng isip ko pero ang puso ko di na nalilito gusto na nito sa piling mo hindi ito ang plano nateng nabuo diba nagkampi tayo para maiganti ang puso nateng nagdugo at silay turuan ng leksyon pero bakit tayo ang natuto? at sa ginawa nateng patibong,bakit tayo ang nahulog? ngayon ang isa't isa ay hindi na naten kayang masambot kaya ang nabuong ugnayan naten pinagpasyahan ng malagot tadhana ba ang dahilan kaya tayong dalawa ay nasangkot yun ang katanungan na baka hindi na naten malaman ang sagot verse 2 bago to matapos ating balikan ano ba ang naging dahilan kung bakit naglapit ang loob naten at naggamitan e diba para gantihan silang mapanlinlang kaso masyado tayong nalibang kaya hindi na naten napuna na sa pagdududa na sila ang nanloko sa atin ay ating naloloko na sila at ginagawa ang naten ang hinala nateng ginagawa nila sa pag aakalang ang kabayaran sa mga pinadama nilang sakit sa atin ay sakit din pero diba mali tayo? dahil hindi naten napansing naging sila na rin tayo at nasira na rin tayo sa ating dating pinag usapan dahil ang puso naten ang nakulong kahit sila ang pinarusahan ngayon pinagdudusahan na naten ang dumating na karma saten kaya pilit mo kong pinapatakas kahit d mo kayang palayain dahil ang pag-ibig naten di naten kayang ilaban mas kelangan nila ako ngayon kaya kelangan kitang iwanan verse 3 pareho nating ayaw na maging magulo ang lahat pero d ko alam kung dapat ba akong malungkot o magalak kase kelangan ko na tumalikod sayo para maharap ang responsibilad na magkakaroon na ko ng anak alam kong di mo yun matanggap pero nagpaparaya ka bakit pa nangyare to ngayon na tayo sana ay malaya na pagsubok ba to ng tadhana na kaya naten malampasan sa tamang panahon masasagot ang tanong na aking pasan-pasan pero sa ngayon kelangan ko syang pakasalan at iwanan ka kahit gusto ng puso ko at natutukso ako na itanan ka alam ko di ka papayag dahil para sayo yun ay kasalanan at ayaw mo na maranasan pa ng anak ko ang yong naranasan ang sarap mong pagmasdan ngayon habang natutulog ka palapit na ng palapit ang umaga kaya puso koy nadudurog na di na kita hihintayin magising baka lalo tayong masaktan pa sana alam mong mahal na mahal kita pero paalam na https://www.facebook.com/SKWATERHAWZofficialfanpage https://www.facebook.com/zikkofficial