Home » People & Blogs » Pasko ng Muling Pagkabuhay - Prusisyon ng Salubong 2023

Pasko ng Muling Pagkabuhay - Prusisyon ng Salubong 2023

Written By Cofradia dela Anunciata de Taytay on Sunday, Apr 09, 2023 | 02:01 PM

 
Pasko ng Muling Pagkabuhay - Prusisyon ng Salubong Magalak ka Birheng namimighati Sapagkat ang iyong Minamahal na Anak Ay Muling Nabuhay! Alleluia!Alleluia!Alleluia! Sa wikang tagalog ang salubong ay tumutukoy sa akto ng pagkikita, pagtanggap ng taong dumarating. Sa konteksto ng selebrasyon ng mga Mahal na Araw sa Pilipinas, ang Salubong ay tumutukoy sa tanyag na pagdiriwang ng Simbahang Katolika ng Pilipinas ang muling pagkikita ni Hesus at ni Maria, na kanyang ina. Ito ay bahagi ng tradisyong Kristiyanong Pilipino na bumalik sa panahon ng kolonyal na Espanyol, at pinagdiriwang pa hanggang sa kasalukuyan. Ang pagdiriwang na ito ay isang liturhikal at kateketikong pagdiriwang ng Muling Pagkabuhay na isinasagawa ng mga Pilipino tuwing Pasko ng Muling Pagkabuhay bago magbukang liwayway. Tampok sa pagdiriwang ito ang mga banal at antigong imahe ni Hesus na Muling Nabuhay at ang Mahal na Birhen ng Pagbati (Nuestra Senora de Alegria) na nasa pangangalaga ng Cofradia dela Nuestra Senora de Anunciata de Taytay. Paroquia de San Juan Bautista, Taytay, Rizal