Home » People & Blogs » Halina Ang Diyos Ay Sambahi't Papurihan - @ St. Therese Shrine, Pasay (5th Pilgrim Relic Visit)

Halina Ang Diyos Ay Sambahi't Papurihan - @ St. Therese Shrine, Pasay (5th Pilgrim Relic Visit)

Written By Dirigatur Oratio Mea on Monday, Jan 02, 2023 | 01:23 PM

 
HALINA ANG DIYOS AY SAMBAHI'T PAPURIHAN Pambungad na Awit para sa Kapistahan ni Santa Teresita ng Batang si Hesus at ng Banal na Mukha (Oktubre 1) at mga Pagdiriwang sa Kanyang Karangalan Koro: Halina ang Diyos ay sambahi't papurihan! Tunguhin natin Sya't ating pasalamatan! Ipinahahayag N'ya ang kanyang kaharian, sa mga taong tulad sa bata ang kalooban! 1. Sa ilang na lugar siya'y Kanyang natagpuan, Sya'y kinagiliwan N'ya at pinatnubayan. Mula sa kapayakan siya'y minahal Nya't hinirang! Kaya't Diyos na mahabagin atin ngayong awitan! 2. Tulad ng agilang malapad yaong pakpak Panginoo'y lumingap sa kanya't pumasan; Poon nati'y mapagkalinga't lubos ang pagkandili Hindi kailanman magmamaliw Kanyang awa't pag-ibig! 3. Siya'y may kapakumbabaang umasa sa D'yos Buhay nya'y papuring-awit sa Manunubos! Biyayang hiling nati'y kanya pa ring 'pinagkakamit natatanggap nating tila rosas na hulog ng langit! Teksto ni: AFL Musika ni: FMB Inawit ng: Musicam Sacram Singers Mga Pinagbatayan: Koro - Batay sa Paanyaya sa Panalangin, Antipona, Panalangin ng Mga Kristiyano sa Maghapon, Oktubre 1 (Mateo 11:25) Una at Ikalawang Taludtod - Batay sa Pambungad na Antipona, Aklat ng Pagmimisa sa Roma, Oktubre 1 (Deuteronomio 32:10-12) Ikatlong Taludtod - Batay sa Pambungad na Antipona, Graduale Romanum, Oktubre 1 (Awit 30:7-8)