Home » Entertainment » Vilma Santos, proud sa hidden talent ng anak na si Ryan Christian Recto

Vilma Santos, proud sa hidden talent ng anak na si Ryan Christian Recto

Written By Manay Charing's Kanto on Tuesday, Jan 11, 2022 | 01:24 AM

 
@RosaVilmaSantosRecto Natutuwa ang Noranians kapag positibong kuwento ang ibinabalita tungkol kay Nora Aunor. Nakaka-good vibes nga naman ang reunion nilang mag-iina nang sinorpresa ang Superstar ng kanyang mga anal na sina Ian, Matet, Kiko, at Kenneth de Leon. Pero wagas din sa good vibes ang vlog ng representative ng lone district ng Lipa at Star For All Seasons na si Vilma Santos-Recto. Noong nakaraang Linggo, January 9, 2022 lamang in-upload ni Ate Vi ang kanyang vlog ng pagsalubong sa taong 2022. Mahigit 16 minutes ang haba nito kung saan sa bandang huli ng vlog ay sumasayaw sila ng bunsong anak niyang si Ryan Christian Recto. Magaling palang sumayaw ni Ryan na, obviously, minana niya sa kanyang mommy. Maraming natuwa sa vlog na yun at may ilang nag-share nito sa Tiktok. Natuwa si Ate Vi nang itinext ko sa kanya ang magandang feedback sa vlog niyang ito, at pinuri ang galing sa pagsasayaw ni Ryan.