Home » Howto & Style » Old Style TUPIG RECIPE by the Tupig Queen of Ilocos Norte

Old Style TUPIG RECIPE by the Tupig Queen of Ilocos Norte

Written By yellow on Saturday, Apr 24, 2021 | 01:35 AM

 
Ang Tupig ay isang napakasarap na kakanin na nagmula sa rehiyon ng North Luzon ng Pangasinan, Tarlac, at Ilocos. Madalas itong binubuo ng malagkit, asukal, gata at ginadgad na batang buko o niyog na pinagsama at balot ng mga dahon ng saging at niluto sa uling. Ito ay karaniwang inihahanda kung pasko, sa noche buena, pasalubong at panregalo na rin. Matatawag na isa sa mga Filipino Christmas Recipe, lalo na ng mga Ilocano. Ang version na ito ng Irene's Native Delicacies Tupig ay maikli at mataba at niluluto sa isang oven, naiiba sa karaniwang Tupig o sa Pangasinan na bersyon na pamilyar ako. At mayroon itong CHEESE! Marami ang may gusto sa lasa nito. Tinagurian na Tupig Queen ng Currimao, Ilocos Norte si Nana Seniang. Siya ay nanalo sa Tupig Cook-Off sa Ilocos Norte na iginawad ni Senator Imee Marcos. Ang Irene’s Native Delicacies ay makikita sa National Highway in Pias Norte Currimao, Ilocos Norte. Ang recipe na inyong makikita ay isa sa mga recipe na nakadisplay noong cook-off. Ito ay makakagawa ng isang malaking palangganang tupig.