Home » People & Blogs » Panalangin sa Panahon ng Bagyo • Tagalog Prayer in Times of Storms and Typhoons

Panalangin sa Panahon ng Bagyo • Tagalog Prayer in Times of Storms and Typhoons

Written By Awit at Papuri Communications on Saturday, Oct 31, 2020 | 03:00 AM

 
Prayer in Times of Storms and Typhoons (Tagalog with Voice) #PaengPH PANALANGIN SA PANAHON NG BAGYO Aming Ama sa Langit, iligtas Mo kami sa banta ng bagyo na ito at pati na rin sa lahat ng pinsalang maaaring idulot nito. Pangalagaan Mo kami at protektahan Mo nawa ang aming tahanan at buong mag-anak mula sa lahat ng mga sakuna. Ama, ang buong kalikasan at sangnilikha ay sumusunod sa Iyong utos. Pakalmahin Mo ang mga bagyo at unos na nagbabanta sa amin. Ipag-adya Mo kami sa anumang masama nang sa gayon ay mapawi ang aming mga takot at pangamba. Maging ligtas nawa kami, ang aming mga mahal sa buhay at kaanak, ang aming pamayanan at ang aming kapwa. Nagtitiwala kami sa Iyong pag-iingat at pagkalinga. Ipagkaloob Mo nawa ang biyayang hinihiling namin sa pamamagitan ng aming Panginoong Jesukristo, ang Iyong Bugtong Anak na nabubuhay at naghahari kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, magpakailanman. Amen. 🙏🏼 Prayer Requests and Special Intentions: https://www.awitatpapuri.com/prayerrequest/ 📄 Website: http://tagalog.awitatpapuri.com • http://www.awitatpapuri.com Awit at Papuri Communications Tagalog Catholic Mass Readings • Tagalog Gospel Reading 🌍 Web: http://www.awitatpapuri.com 🖥 Facebook: http://www.facebook.com/awitatpapuri Awit at Papuri Communications is a Philippine-based Catholic new media organization sailing on the digital sea and giving soul to the Internet by making Jesus Christ and His Good News known to Filipinos all over the world. Subscribe to our channel for Tagalog Catholic, Prayers, Novena, Mass Readings, Catechism and many more Catholic content! 🚨 DO NOT REUPLOAD OUR VIDEOS. © You may freely share the link to our videos and other multimedia content. But, please do not re-upload our content without our express consent. For permissions, please contact us via https://www.awitatpapuri.com/contact-us/ . Re-uploads or re-use of our content without our consent will be reported.