Home » Entertainment » HANGGANG SA MULI, KAPAMILYA

HANGGANG SA MULI, KAPAMILYA

Written By BrezhfreshTV on Monday, Aug 31, 2020 | 11:10 AM

 
Hanggang dito na lang muna mga Kapamilya. Minsan kahit anong amin mo sa sariling tanggap mo na, mahirap pa rin pala. Lalo na kung bitbit mo pa rin yung mga alaalang masaya. Magpapatuloy ako sa buhay, pero paulit-ulit kong babalikan. Ang mga aral at pagmamahal na natanggap ko sa aking naging pangalawang tahanan. Naniniwala akong parang teleserye sa gabi, nasa kalagitnaan pa lang tayo ng kwento. Posible pa ring magbago ang ikot ng mundo. At ang mga bida pa rin ang magwawagi sa dulo. Hanggang sa muli, mga mahal kong kapamilya! Magkikita pa tayo!