Pakinggan ang "Pagsibol" ni Fr. Arnel Aquino, SJ, sa pag-awit ni Noel Cabangon at Himig Heswita. Mula sa album na Huwag Kang Mangamba, ang awit ay isang pagninilay sa presensya ng Diyos sa kalikasan at sa Kanyang pagmamahal na nagbibigay ng bagong pag-asa.
Sa bawat huni ng ibon at pagdampi ng umaga, ipinapaalala ng "Pagsibol" na ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay. Sa Kanya natin matatagpuan ang kapayapaan at kaganapang hinahanap ng ating puso.
SONG CREDITS
Title: Pagsibol
Composed by: Fr. Arnel Aquino, SJ
Performed by: Noel Cabangon and Himig Heswita
Album: Huwag Kang Mangamba
Photos: Unsplash.com
LISTEN TO PAGSIBOL
Spotify: http://open.spotify.com/album/1UisCmHotQMsETnew729pL
iTunes: https://geo.itunes.apple.com/at/album/id1016337630?at=1l3v9Tx&app=itunes
LYRICS
Bawat huni ng ibon sa pag-ihip ng amihan
Wangis Mo'y aking natatanaw
Pagdampi ng umaga sa nanalamig kong kalamnan
Init Mo'y pangarap kong hagkan
Panginoon, Ikaw ang kasibulan ng buhay
Puso'y dalisay kailanpaman
Ipahintulot Mong ako'y mapahandusay
Sa sumasaimbayong kaginhawahan
Nangungulilang malay binulungan ng tinig Mong
Nagdulot ng katiwasayan
Paghahanap katwiran nilusaw Mo sa simbuyong
Karilagan ng pagmamahal
Dalangin pa sana'y mapagtanto kong tumay
Kaganapan ng buhay ko'y Ikaw lamang
SUBSCRIBE TO JESCOMTV
https://www.youtube.com/c/JesComTV/
SUPPORT THE MISSION OF JESUIT COMMUNICATIONS
https://jescom.ph/donate/
#Pagsibol #HimigHeswita #JesuitMusic