Home » Education » ANG TUNAY NA PINAGMULAN NG PANGALANG RIZAL NI DR. JOSE RIZAL | KapatidAvinidz

ANG TUNAY NA PINAGMULAN NG PANGALANG RIZAL NI DR. JOSE RIZAL | KapatidAvinidz

Written By KAPATID AVINIDZ on Monday, May 04, 2020 | 07:52 PM

 
Noong taong 1849 si Gobernador-Heneral Narciso Claveria ay nag-utos sa Lahat ng Pamilyang Pilipino na Pumili ng mga Bagong Apelyido mula sa 'Catalogo Alfabetico de Apellidos' o ang Alpabetikong Listahan ng mga Apelyido, na kung saan Naglalaman ng 60,662 Apelyidong Espanyol at Katutubong Pangalan na Nakolekta ng mga Parokyanong Pari sa Buong Bansa at ito ay Ipinamahagi sa mga Alcalde Mayor (provincial governor) ng Bawat Lalawigan sa Pilipinas. Ayon sa Tanyag na Historyador ng Pilipinas na si Dr. Dean Ceasar Adib Majul, Mayroong Dalawang Teorya tungkol sa Pinagmulan ng Salitang "Rizal". Alam ng Karamihan na ang Bansang Espanya Noon (Andalus) ay Nasakop ng mga Arabong Muslim ng Higit 700 taon sa Panahon ng Umayyad Caliphate kaya naman sila ay Naimpluwesiyahan na din ng Salitang Arabic. Ang Unang Teorya ay nagmula sa Salitang "Roz" isang Espanyol at Arabic na salita na ang Kahulugan ay Bigas o mula sa Espanyol na "Ricial" na ang Kahulugan ay Green Field o ang Luntian na Pag-usbong ng mga Halaman. Ngunit ang Kahalagahan ng Parehong mga salita (Roz at Ricial) na may Kaugnayan sa "Rizal" ay Nagtatapos na Lamang doon dahil walang Patunay sa Pamamagitan ng Mas Malinaw na Etimolohikal at Makasaysayang Paliwanag. Ang Pangalawang Teorya ay nagmula sa Salitang Arabic na "Rijal" na ang Kahulugan ay Lalaki. Ang Teorya ng Etimolohikal ng "Rizal" Bilang "Rijal" ay Sinusuportahan sa Pamamagitan ng Kasaysayan. Sa Paglipas ng Panahon ang Sitwasyon ay Naging Kakaiba na sa Espanya lalo na Ngayon. Ang Pangalang "Rijal" ay ang Tamang Grammar na Arabic sa Salitang "Rizal", ang mga Malays na mga Muslim ay Hindi Lahat Ganap na Nakakapagsasalita ng Arabic, kaya Hindi Gaanong Napapansin ang Tamang Grammar nito, Ito ang Isang Dahilan kung Bakit Maraming Indonesian at Malaysian at Kahit sa Ilang Bahagi ng Mindanao sa Ngayon ay Patuloy na Ginagamit ang "Rizal" Bilang Kanilang mga Pangalan. Ayon naman sa mga taga-indonesian at Malaysian ang Pangalang "Rizal" ay Pinagsamang Sanskrit at Arabic na Salita na ang Kahulugan ay Gwapong Lalaki o Magiting na Lalaki. Please SUBSCRIBE mga kapatid para lagi pa tayung magkitakita...MABUHAY po. #KapatidAvinidz #Dr.JoseRizal #Kasaysayan FB: KapatidAvinidz