Mga babae Minahal ni Idol Robin Padilla
1. Mariel Rodriguez
Sampung taon nang mag-asawa sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez. Ikinasal sila sa Baguio noong 2010.
2. Maria Isabella Padilla
Biniyayaan sina Robin at Mariel ng unang nilang babaeng anak na si Maria Isabella. Makikita sa larawan ang napaka cute na batang ito.
3. Gabriela Padilla
Si Gabriela ang pangalawang anak na babae ni Robin at Mariel. Nitong Nobyembre 2019 lang ipinanganak si Gabriela. Nangangarap ring magkaaanak ng lalaki si Mariel para kay Robin ngunit babawe parin ang naging pangalawa nilang anak.
4. Kylie Padilla
Si Kylie Padilla ang sumunod sa yapak ni Robin sa pag-aartista. Nagsimula sya sa showbiz noong 2008 sa GMA 7. Isa syang certified kapuso. Ikinasal sila ni Aljur Abrenica noong 2018. Nagkaroon na rin sila ng anak na lalaki na si Alas Joaquin Abrenica.
5. Queenie Padilla
Kamakailan lamang ay binigyan na ni Queenie Padilla ang amang si Robin ng kanyang unang apo. Noong Pebrero 2019 ay inilagay si Queenie bilang youth ambassador ng National Commission on Muslim Filipinos.
6. Leizl Sicangco
Si Leizl Sicangco ang ina nina Kylie at Queenie. Taong 2007 nang mapabalitang naghiwalay sina Leizl at Robin.
7. Kris Aquino
Kumalat ang balita na naging magkarelasyon sina Robin at Kris Aquino ngunit pinaghiwalay sila ng ina ng aktres at noo'y presidente na si Cory Aquino.
8. Vina Morales
Nagsimula sa isang love team ang real life romantic relationship nina Robin at Vina Morales ngunit nagkahiwalay rin ang dalawa.
9. Judy Ann Santos
Kumalat ang tsismis noon na si Judy Ann Santos daw ang 'di umano naging third party sa relasyong Robin at Leizl dahil sa pagiging malapit ng dalawang aktor sa isa't isa.
10. Sharon Cuneta
Naging magnobyo sina Robin at Sharon Cuneta habang ginagawa nila ang pelikulang 'Maging Sino Ka Man' noong 1991. Sa huling concert ng Megastar, inamin niyang muntik na raw siyang magpakasal sa action star noon. Matindi talaga itong si binoy, mukhang masusungkit pa sa langit ang Mega star.
11. Ruffa Gutierrez
Naging malapit sa isa't isa sina Robin at Ruffa dahil sa pelikulang 'Lab Kita...Bilib Ka Ba?' ngunit napabalitang hindi boto ang ina ng aktres na si Annabelle Rama sa action star kaya't pinaghiwalay silang dalawa. Mukahang maraming may ayaw kay binoy. Laging hinahadlangan ng mga magulang.
12. Jolina Magdangal
Naging leading lady ni Robin si Jolina sa pelikulang 'Tunay na Tunay: Gets Mo? Gets Ko!' noong 2000. Ngunit di naman napabaltang nagkaroon sila ng intimate relationship.
13. Maricel Soriano
Sumikat ang pelikula nina Robin at Maricel Soriano na 'Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib' noong 1998. Gaya ni Jolina hanggang sa pelikula lang pagmamahalan ng dalawa.
14. Regine Velasquez-Alcasid
Isa sa mga sumikat na love teams noon ang tambalang Robin at Regine, matapos silang bumida sa mga pelikulang 'Till I Met You' at 'Kailangan Ko'y Ikaw.'
15. Angel Locsin
Si Angel Locsin ang kauna-unahang naging leading lady ni Robin sa kanyang first GMA show na 'Asian Treasures.'
16. Iza Calzado
Isa pang Kapuso show na ginawa ni Robin ay ang 'Joaquin Bordado' kung saan nakapareha niya si Iza Calzado.
17 and 18. Princess Ong at Isa Pang Babae
Pinagpipiyestahan kamakailana ang ilang larawan ni Robin Padilla na may kasamang dalawang babae. Makikita sa larawan na may kinakandong na isang batang Tsinitang babae si Robin na may username sa social media na Princess Ong.
Bukod kay Princess, may isa pang babae sa larawan na naka-hook ang kanyang kamay sa kanang braso ni Robin.
Halatang masaya ang dalawang babae na nakapag-selfie kasama si Binoy. Si Robin naman ay naka-smile din. Sa suot na shirt ni Robin, makikita ang DU34GO.
May isa pang picture na close-up na ang makikita ay si Robin at si Princess lamang.
Nilagyan pa ng caption ni Princess ang larawan na "Hi bebe love nakoo."
#Subscribe4More
#LikeAndShare
#RobinPadilla
#IdolRobin