Home » People & Blogs » Ang Banal na Rosaryo: "Ang Misteryo ng Luwalhati" (Miyerkules at Lingo) (Step by Step)

Ang Banal na Rosaryo: "Ang Misteryo ng Luwalhati" (Miyerkules at Lingo) (Step by Step)

Written By King Emmanuel on Wednesday, Apr 01, 2020 | 08:47 AM

 
Step by Step Procedure Rosary Guide: 1. Sa Ngalan Ng Ama (Sign of the Cross / Signum Crucis) 2. Sumasampalataya (Apostles' Creed / Credo) 3. Ama Namin (Our Father / Pater Noster) 4. 3 Aba Ginoong Maria (Hail Mary / Ave Maria) 5. Luwalhati sa Ama (Glory Be / Gloria Patri) 6. Announce the Misteryo 1 7. Ama Namin 8. 10 Aba Ginoong Maria 9. Luwalhati sa Ama / O Hesus Ko (Oh, My Jesus) 10. Announce Misteryo 2 11. Ama Namin 12. 10 Aba Ginoong Maria 13. Luwalhati sa Ama / O Hesus Ko 14. Announce Misteryo 3 15. Ama Namin 16. 10 Aba Ginoong Maria 17. Luwalhati sa Ama / O Hesus Ko 18. Announce Misteryo 4 19. Ama Namin 20. 10 Aba Ginoong Maria 21. Luwalhati sa Ama / O Hesus Ko 22. Announce Misteryo 5 23. Ama Namin 24. 10 Aba Ginoong Maria 25. Luwalhati sa Ama / O Hesus Ko 26. Aba Po Santa Mariang Hari (Hail Holy Queen / Salve Regina) For the Intentions and protection of our Holy Father: 27. Ama Namin (Our Father / Pater Noster) Aba Ginoong Maria (Hail Mary / Ave Maria) Luwalhati sa Ama (Glory Be / Gloria Patri) 28. Sa Ngalan Ng Ama (Sign of the Cross / Signum Crucis) “Ang mga Misteryo ng Luwalhati” ” The Glorious Mysteries” (Myerkules at Lingo) Step by Step Procedure (Myerkules at Linggo) 1.) “Ang pagkabuhay muli ni Hesukristo” “The Resurrection” Matthew 28:1-15 Mark 16:1-13 Luke 24:1-12 John 20:1-18 2.) ”Ang pag-akyat sa langit ni Hesukristo” “The Ascension” Mark 16:19-20 Luke 24:50-53 Acts 1:9-11 3.) ”Ang pagpanaog ng Diyos Espiritu Santo sa mga Apostoles at sa Mahal na Birhen” “The Descent of the Holy Spirit” Acts 2:1-41 4) ”Ang pag-akyat sa langit ng Mahal na Birhen” “The Assumption” 5) ”Ang pagpuputong ng korona sa Mahal na Birhen” “The Coronation of Mary” SUMASAMPALATAYA / The Apostles' Creed / Credo Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya naman ako kay Hesukristong iisang anak ng Diyos,Panginoon nating lahat; nagkatawang-tao sya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumula ang paririto’t huhukom sa nangabuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan. Sa pagkabuhay na mag-uli ng mga namatay na tao. At sa buhay na walang hanggan. Amen. Ama Namin, Sumasalangit ka / Our Father / Pater Noster Ama Namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo, Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw, At patawarin mo kami sa aming mga sala, Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso, At iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen. Aba Ginoong Maria / Hail Mary / Ave Maria Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasiya, Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat At pinagpala rin naman ang anak mong si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos Ipanalangin mo kaming makasalanan Ngayon at kung kami'y mamamatay. Amen. Luwalhati sa Ama / Glory Be / Gloria Patri Luwalhati sa Ama, Sa Anak, At sa Diyos Espiritu Santo. Kapara noong unang-una, Ngayon at magpakailanman Sa walang hanggan. Amen. Aba Po Santa Mariang Hari / Hail Holy Queen / Salve Regina Aba Po Santa Mariang Hari, Inang ng Awa. Ikaw ang kabuhayan at katamisan; Aba pinananaligan ka namin. Ikaw nga ang tinatawagan namin, pinapanaw na taong anak ni Eva. Ikaw rin ang pinagbunbuntuhang hininga namin ng aming pagtangis dini sa lupang bayang kahapis-hapis. Ay aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin, ang mga mata mong maawain, at saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin, ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam at matamis na Birhen. V.Ipanalangin mo kami, Reyna ng kasantusantuhang Rosaryo. R.Nang kami'y maging dapat makinabang ng mga pangako ni Hesukristo. #HowToPrayTheRosary #HolyRosary #AngMisterioNgHapis #Rosaryo #Tagalog