Home » Entertainment » INTEGRADTED BAR OF THE PHILIPPINES NUEVA ECIJA KINONDENA ANG PAGPASLANG KAY ATTY. BAYANI DALANGIN

INTEGRADTED BAR OF THE PHILIPPINES NUEVA ECIJA KINONDENA ANG PAGPASLANG KAY ATTY. BAYANI DALANGIN

Written By OFFICIAL DWNE Teleradyo on Monday, Mar 02, 2020 | 03:24 AM

 
Kinukondena ng Integrated Bar of the Philippines Nueva Ecija o IBP NE ang walang awang pagpatay kay Atty. Bayani Dalangin noong Biyernes ng gabi sa kanyang tanggapan sa Talavera. Ayon kay Atty. Wilson Chua, IBP NE President, ang mga abogado ay laan magsilbi upang mapanatili ang katarunagan sa lahat ng sektor ng lipunan. Masakit sa kanila ang paslangin lalo na at gumaganap ng mahusay sa tungkulin bilang manananggol. Dagdag niya pumasok ang gunman sa tanggapan ni Dalangin habang may mga kausap na kliyente. Itinanong diumano kung sino si Atty. Dalangin at ng sumagot ang biktima ay kaagad na pinutukan daw ito ng salarin na naging dahilan ng kanyang kamatayan. Kwento pa ni Chua nadala pa sa ospital si Dalangin pero dead on arrival na daw ito. Sa ginanap na luksang parangal noong sabado ng gabi ng IBP NE sa Serenity Gardens sa Cabanatuan City ay ginunita nila ang mga pagpupunyagi nito na magserbisyo sa lahat. Nakilala sa mahabang panahon si Dalangin sa mga kasong may kinalaman sa lupa o land disputes. Nanawagan ang IBP NE sa ating mga awtoridad para sa mabilis na kalutasan ng karumal dumal na pagpaslang kay Dalangin. Kaugnay ng balitang ito, ngayong lunes March 2,2020 nagsuot ng black arm band ang mga IBP NE members bilang simbolo ng kanilang pakikiramay sa pamilya ni Atty Dalangin at paghingi ng hustisya sa biglaang pagkamatay ng kanilang kapwa abogado. Inaanyayahan ang lahat ng IBP NE members para sa vigil simula ngayong hapon ng Lunes sa Serenity Gardens para sa yumaong Atty Bayani Dalangin.