Home » Entertainment » Panoorin ang ginawang Pag-eeskandalo ni Mommy Divine sa Kasal ni Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli

Panoorin ang ginawang Pag-eeskandalo ni Mommy Divine sa Kasal ni Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli

Written By Hot Issue! on Monday, Feb 24, 2020 | 04:01 AM

 
Ito pala ang totoong ginawa ni Mommy Divine sa kasal ng kaniyang anak ayon sa reporter ng abs-cbn na si MJ Felipe. Umaga pa lang ng February 21 ay pumutok na ang balitang magpapaksal na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli anytime. Ngunit nasa taping si Sarah ng The Voice kaya bantay sarado na ito ng kaniyang ina. Pagkatapos daw ng taping ay kalmadong umalis si Sarah ng mag-isa, yun pala ay didiretso na ito sa Taguig dahil dun gaganapin ang kasal nila ni Matteo. Nang malaman nga ito ni Divine ay agad itong pumunta sa sikretong kasal ng anak at gumawa ng eksena. Pinagsisigawan umano nito sina Sarah at Matteo at pinipilit na itigil ang kasal. Kinailangan pang pumunta ng Boss ng Viva Films na si Vic Del Rosario upang maawat ang nagwawalang nanay ni Sarah. Labis na ikinagalit naman ito ng mga fans ni Sarah dahil minsan lang ikasal ang isang babae at nakakalungkot isipin na mismong nanay pa nya ang nanggulo dito.