Home » Entertainment » Jennylyn Mercado dismisses rumored engagement to Dennis Trillo

Jennylyn Mercado dismisses rumored engagement to Dennis Trillo

Written By ENTERTAINMENT 24h PHILIPPINES on Monday, May 22, 2017 | 06:20 AM

 
Bagamat masaya ang pagbabalikan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, tila nananatiling top priority ng magkasintahan ang kanilang career. Sa ginanap na press conference ng My Love From the Star noong nakaraang linggo, natanong ang aktres kung handa na siya kung sakaling mag-propose sa kanya si Dennis. Sagot niya, “Hindi ko pa po alam. Pero sa ngayon, mukhang malabo pa po 'yan. “Wala pa po kaming napag-uusapan. At saka malabo pong mangyari 'yon.” Sa ngayon ay parehong abala sina Jennylyn at Dennis sa kani-kanilang bagong teleserye sa GMA Network.