Performed for Acafest 2016 in Holy Angel University (Senior High School)
My First Spoken Word Poetry Competition in Filipino
My Second Spoken Word Poetry Competition
“Sa Tuwing Nakikita Kita”
Gusto kitang kamayan
Magpakilala sayo,na ako ang babaeng magmamahal sayo
Pero di ko kaya,dahil babae ako
Sabi nila di dapat gawin ng isang babae ang ganun
Gwapo siya,Matalino pa
Lahat na ata ng hinihiling ng isang babae ay nasa kanya
Gusto ko siya
Tinago ko ng dalawang taon,maaring hanggang ngayon
Di niya pa alam
Maaring di niya alam,
Dahil ang isang babae, ay hindi maaring magsabi nang kanyang nararamdam
Sa isang lalake na pinagkakaguluhan
Ng mga babaeng handang sabihin ang kanilang nararamdaman
Sa loob ng dalawang taon,
Hindi mabilang na pagkakataon
Ang lalake ay nasa harap ko noon
Pero ni minsan
Hindi ko narinig,mula sa kanyang bibig
Ang pangalan ko
Ang pangalan ko
Na gusto kong marinig mula sa kanyang bibig
Dahil namumuo na ang pag-ibig
Sa puso ko
Ngunit,nagmahal ako ng iba,sa pagkaka-akala
Na sa tingin ko na wala kaming pag-asa
Dahil gusto siya ng lahat ng babae na aking makilala
Dalawang beses,
Akong nagmahal ng iba
Pero siya parin ang laman ng pusong nagbabaga
Mahal ko siya,noon pa
Sa pagkakaalam ko noon na gusto ko palang siya
Ngayon mahal ko na siya
May kulang,
Sa dalawang beses na nagmahal ako
May kulang
May mali
Ang nararamdaman ko sa kanya ay parang hindi na katulad nung dati
May mali
Limang Buwan
Limang buwan
Kaming di nagkita
Limang buwan
Ni anino ng kanyang katawan ay di ko nakita
Limang Buwan
At maraming nagbago
Naguguluhan
Ang puso ko na hinahanap ang kasiguraduhan,
Nakita ko siya,naka-upo sa isang tabi
Na parang may hinihintay,pero di ko masabi
Umalis ako ng hindi nagpapaalam
Hahanapin ko
Ang sarili ko
Para may kasiguraduahn
Umalis ako
Nang hindi nagpapaalam
Ang tanging hiling ko sa aking pagbalik
Ay matikman ang tamis ng pag-ibig
Pati na rin ang tamis ng halik
Limang taon,hanggang ngayon
Hindi ko parin makita
Ang hinahanap ko
Limang taon
Lahat ng nasayang na pagkakataon
Na kamayan siya
Na marinig ko ang pangalan ko mula sa bibig niya
Bumalik ako
Mula sa Amerika
At nakita ko siya
Nakita ko siya
Maraming nagbago sa kanya
“Ano na?” ang una kong tanong sa aking sarili
Ang pagkakataon ba na ito ay dapat sayangin?
Siya
Siya lang pala
Ang hinahanap ng pusong nawawala
Mahal ko siya
Mahal ko parin siya
Hanggang ngayon
Matapos ang limang taon
Ito na ang pagkakataon
Ang pagkaktaon na di ko sasayangin
Lumapit siya sa akin
Ang unang lumabas sa kanyang bibig
Ay ang pangalan ko
Na hindi raw nawala
Sa puso niya
Na ako ang nag-iisang laman,noon pa man
At ngayon ay may kasiguraduhan
Sa tuwing nakikita kita
Ikaw ang gusto kong makasama
At kailan man ay di ako magsasawa
Na titigan ka
Na sa pag-gising ko sa umaga
Ikaw ang una kong makikita
Sa tuwing nakikita kita
Gusto ko na malaman mo
Na mahal na mahal kita