Home » Education » Pangulong Manuel L. Quezon

Pangulong Manuel L. Quezon

Written By GovPH on Tuesday, Aug 18, 2015 | 11:54 AM

 
Ang Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) at ang Presidential Museum and Library (PML) sa pakikipagtulungan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP), ay naglulunsad ng maikling dokumentaryo na nagtatanghal ng buhay at kapanahunan ni Manuel L. Quezon, ang ikalawang Pangulo ng Pilipinas at ang unang Pangulo ng Komonwelt. Matutunghayan din dito ang kasaysayan ng Quezon Memorial Shrine and Museum. Ang dokumentaryo ay binuo bilang paggunita sa ika-137 Anibersaryo ng kapanganakan ni Pangulong Quezon at ang paglunsad ng makabagong museo ni Manuel L. Quezon. Bisitahin ang Quezon Memorial Shrine and Museum online: www.gov.ph/quezonmemorial Pinasasalamatan ng PCDSPO ang mga sumusunod na ahensiya at mga indibidwal sa kanilang mahalagang naiambag sa proyektong ito: President Elpidio Quirino Foundation, President Manuel Roxas Foundation, Mayor Herbert Bautista at ang Pamahalaang Lokal ng Lungsod Quezon, Architect Paulo Alcazaren, ang pamilya ni Ginoong Marcial S. Valenzula, Pambansang Aklatan ng Pilipinas, at ang pamilya ni Pangulong Manuel L. Quezon.